It's OA

Dalubhasang Panlinlang ng Wagas na Halimaw (DPWH)

Sharing is Caring!

Sa proyekto, mahina mga bakal at semento
Pero mukha, makapal at matigas pa sa rebulto…
Simula’t sapul nakasemento nang paa sa pwesto
Ngunit nagmamasid tila naghahanap ng pagmulto
Multong may sweldo mula sa taong nag-buwis
Salapi’t buhay alay sa ispiritong nawawal’t lihis

Nagpaparamdam ang anino ng kamatayan
Sa bawat sakuna na nananakot sa taumbayan
Bawat sira at pag-guho ng mga imprastraktura
Pagkakataong kumita ng limpak-limpak na pera
Walang humpay ang kanilang pagkahumaling
Kaninong kasakiman tingin natin parang duling…

Di nilalahat dahil may matitinong mangilan-ngilan
Ngunit pagiging bulag at tahimik hanggang kailan
Kahit pa man sanay at manhid na ang mga tao
Mapanginsulto pa tingin nila’y tayo’y tanga’t bobo
Sapagkat sambayanan at kontratista ay nauuto
Ahensya na Dambong ng Pera’y Walang Hinto

(“Insertion”)
Pero heto na nga ang nagbabadya na pag-asa
Si Vince Dizon nga ba ang sagot sa pagreporma
Sana maituwid sa maayos at matibay na daanan
Maging tulay ng pagbabago hindi ng kawatan
Isang kalihim na sana hindi maging mapaglihim
ng multong magastos, nanggugulat mula sa dilim

~ “O”


Sharing is Caring!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Scroll to Top