It's OA

“Bukas Malilipol Ang Mga Pilipino”

Sharing is Caring!

Paano ba ang maging isang tunay na Pilipino?
Sa kabila ng away ng magkatunggaling mga kampo
Kailangan bang pumili ng kung sinong kakampihan?
Diba dapat ang katapatan ay para sa Inang Bayan

Sa dami ngayon ng mga iba’t ibang katanungan
Anong sagot sa “Ano ba talaga ang makatarungan?”
Eh sinong makakasagot kung bulag sa katotohanan?
Sumusunod lang sa kulay na tila walang paroroonan

Pilipino Extinction

Pula, berde, dilaw o kulay rosas, di pantay na apat
Utak o puso ba ang susundan at pagpipilian dapat?
Ni hindi naman parisukat ating nagiging pagkahubog
Talas ng tatsulok ang mapanugod na panghahambog

Nagiging bobong matalino at mga matalinong bobo
Baliktad at ‘di na pantay, tila hindi na bilog ang mundo
May pag-asa pa bang tayo magkasundo at umasenso
Pinagmamalaki ay hindi na ang pagiging Pilipino

Mas pinagyayabang na ngayon ay kung sino ang tama
Kahit bawat argumento ay pilit tinatama ang masama
Ang tunay nating kulay na kayumanggi ay namumutla
Tila takot at walang pananampalataya para sa himala

Pagiging perlas ng silangan ay nawawalan ng saysay
Mga taong iniidolo mismo ang naguudyok ng away
Makamundo ang dahilan, gusto ng kapangyarihan
Mga pananaw, prinsipyo at pagkatao ay nasasagasaan

Wag sanang dumating na sukuan na din tayo ng Diyos
Dahil na din sa paglabag natin sa Kanyang mga utos
‘Di sang ayon sa mga ito na pinakamataas nang antas
Maspinipiling magpakadalubhasa sa saligang batas…

Baka kaya wala nang arkong sasagip sa mga pagbaha
Unti-unti lumulubog tayo pailalim sa mundong nagbabaga
Nasusunog na ating pagkatao at pagiging makamundo
May panganib malipol ang ating puso’t diwang Pilipino


Sharing is Caring!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Scroll to Top